Meta tags:
Headings (most frequently used words):
blog, september, 11, monday, july, 2017, poetry, and, notion, thursday, 2025, 2019, tuesday, 18, about, me, followers, popular, posts, magpaalam, kung, ika, copy, paste, archive, total, pageviews, 2013, saranggola, awards, ikatlong, karangalan, sa, kategoryang, tula, magugustuhan, niyo, rin, ito, iniwan, kita, di, na, muli, ambulansya, ni, mang, rudy, huwebes, noon,
Text of the page (most frequently used words):
ang (158), hindi (49), mga (40), ago (35), ito (31), may (31), years (30), kung (29), pag (23), kanyang (21), nang (16), mang (16), rudy (16), rin (15), isang (14), walang (14), buhay (14), lang (14), ngunit (14), july (12), #september (12), ako (11), man (11), ilang (11), tila (11), kong (10), nito (10), the (9), kaya (9), marami (9), aling (9), fely (9), wala (8), october (8), january (8), june (8), pero (8), kahit (8), dahil (8), para (8), maraming (8), ambulansiya (8), november (7), december (7), april (7), noon (7), naman (7), nga (7), muli (7), dapat (6), february (6), march (6), august (6), kita (6), ibig (6), tao (6), lahat (6), upang (6), hanggang (6), kasi (6), lamang (6), kalagayan (6), months (5), huli (5), ibang (5), siya (5), ating (5), asa (5), limarx214 (5), alam (5), tayo (5), beses (5), mayroon (5), anong (5), iniisip (5), gusto (5), yong (5), damdamin (4), ngayon (4), blog (4), puso (4), dekada (4), iba (4), tunay (4), istorya (4), niyang (4), magandang (4), kabila (4), posted (4), huwebes (4), akin (4), sana (4), ambulansya (4), tsuper (4), araw (4), pasyente (4), bawat (4), pluma (3), lakas (3), tama (3), masaya (3), for (3), bakit (3), and (3), mula (3), akong (3), bagay (3), magugustuhan (3), 2017 (3), iniwan (3), gamit (3), sining (3), gawin (3), astig (3), pang (3), maangas (3), ugali (3), madalas (3), natin (3), hayop (3), dragon (3), bayan (3), posts (3), naging (3), aral (3), karaniwang (3), batid (3), labels (3), loob (3), saan (3), yung (3), sabi (3), makalipas (3), nating (3), basta (3), ngiti (3), bukas (3), ano (3), iisip (3), dahilan (3), totoo (3), kapwa (3), kamalian (3), comments (3), minamaneho (3), pasyenteng (3), marahil (3), pagamutan (3), kalsada (3), sasakyan (3), itong (3), kakaiba (3), kalusugan (3), isa (3), isip (3), pablo (2), quaderno (2), modernong (2), year (2), end (2), iskwater (2), tinta (2), when (2), she (2), cries (2), babae (2), hinintay (2), 2013 (2), tula (2), 2019 (2), 2025 (2), ika (2), tutugtog (2), kakalabitin (2), silip (2), uri (2), taglay (2), malayo (2), malayong (2), negatibong (2), ayon (2), sila (2), tulad (2), mitolohiya (2), alamat (2), kanilang (2), rizal (2), pagsusulat (2), nag (2), halos (2), umasa (2), mabuti (2), kawalan (2), agad (2), pumayag (2), lunch (2), ring (2), kang (2), nabigo (2), yon (2), ayaw (2), lugar (2), mas (2), minsan (2), tuwing (2), saya (2), kayang (2), ipaliwanag (2), gaano (2), siguro (2), sapat (2), salita (2), nais (2), sabihin (2), kasiyahan (2), pagkain (2), kundi (2), humigit (2), oras (2), tanong (2), matapos (2), bang (2), damit (2), kasing (2), paraan (2), pagkikita (2), lumipas (2), din (2), agam (2), iyong (2), mali (2), katagang (2), naisip (2), baka (2), putik (2), kwento (2), humahagibis (2), bilis (2), destinasyon (2), sakay (2), pagamutang (2), makapagsasalba (2), umano (2), mahalagang (2), pasahero (2), bayang (2), bago (2), pinag (2), lubak (2), animo (2), pagkaantala (2), sabihing (2), kakarag (2), karag (2), gabi (2), malubak (2), kalsadang (2), paglabag (2), niya (2), kanya (2), impresyon (2), kay (2), mahal (2), trabaho (2), bagama (2), mabilis (2), maiiwasang (2), pagiging (2), rami (2), kapalpakan (2), kritikong (2), sipag (2), pagsisikap (2), nagsasabing (2), ambulansiyang (2), lunas (2), kagyat (2), kamay (2), inaalala (2), kuwento (2), monday (2), ibubulong (2), pagsisisi (2), susunod (2), katotohanan (2), parang (2), sandali (2), kathang (2), dati (2), poetry (2), notion (2), picture, window, theme, powered, blogger, damuhan, château, archieviner, jay, rulez, namamasko, bagotilyo, lapastangan, uga, leche, bitch, putangina, post, swings, makita, langit, zei, maya, kayumangging, mind, over, matter, flying, letters, dahong, laya, padpad, basa, anod, hiram, kaligayahan, lumi, liebster, award, nth, times, fiel, kun, thoughts, point, zero, sasaliwngawit, sunday, hugot, files, payong, hulugan, jokenalismo, feb, last, two, pages, hibang, ipagdiwang, valentine, kwentong, quote, bumalik, jondmur, ayos, idol, tuyong, bolpen, sestina, paglilibing, diktador, doodles, mandarasal, muhon, titulo, sulok, isipan, maagang, darating, dapit, hapon, talang, gunita, false, narrative, control, real, problem, christian, communities, chinocracy, final, letter, break, nawawala, geosef, alphabet, buñi, perang, papel, unsung, jero, birthday, crush, wholesome, wasak, room, 1902, heavenknows, makwentuhan, kwentang, pala, satanas, welcome, arena, nobenta, winter, wonderland, joy, notepad, sinigang, baboy, citybuoy, city, songs, twenty, gillboard, grows, love, that, little, golden, statuette, search, philippine, entry, oscars, choking, adobo, palangit, latak, utak, sharon, afterthoughts, 2026, day, korta, bistang, tibobos, niyo, saranggola, awards, ikatlong, karangalan, kategoryang, total, pageviews, 2009, 2010, 2011, 2012, 2014, 2015, 2016, archive, magpaalam, copy, paste, gitara, kuwerdas, makalilikha, kanta, matagal, tagal, naisipan, gawan, ikalawang, yugto, pagkakataong, pabalbal, binaligtad, salitang, tigas, tumutukoy, sitwasyon, matikas, compilation, narating, larangan, aspekto, teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina, hinahalintulad, sang, animal, idiom, malawak, kabundukan, astera, naninirahan, ikukumpara, huling, nagtangka, nagpaliwanag, nagbahagi, kani, tungkol, mara, www, dreamstime, com, tugon, nurse, nasa, information, counter, santisima, dios, hospital, malungkot, hunyo, kaarawan, idolo, jose, makata, manunulat, alagad, mangingibig, doktor, makabayan, gat, kabataan, makapangyarihan, diyos, karagatan, neptuno, pakalmahin, alon, dagat, nanaisin, sinusunod, pagkawala, sirena, popular, followers, view, complete, profile, pormal, edukasyon, handlang, huminto, saloobin, nagbuhat, tipikal, pamilya, pampublikong, paaralan, elementarya, sekondarya, iginapang, magulang, kolehiyo, pinagtibay, diploma, lisensya, iginawad, dalawampung, taon, nakararaan, nagsikap, marating, destinasyong, nilakbay, umasam, matupad, inaasam, sumubok, sumulong, makamit, minimithing, tagumpay, nangangarap, pilipinas, iilan, katulad, pilit, binubuhay, habol, hininga, bibitiw, susuko, resulta, pagkabigo, matalino, naipasa, anumang, pagsusulit, matino, nagpupumilit, gumawa, katinuan, napuputikan, daigdig, kinabibilangan, naglilinis, naghuhugas, inuusal, dasal, about, start, subscribe, atom, home, older, fiction, comment, nakulitan, ginusto, mag, out, sinubok, ayain, lumabas, kumain, nagkaroon, sama, kaunti, nauunawan, iyo, maunawaan, mong, malagay, sitwasyong, malalagay, alanganin, ligalig, kaysa, katiwasayan, sinabi, kausap, tinanong, kasaya, isasagot, talagang, madaling, naisasalarawan, nararamdaman, mabulalas, pagsidlan, wakas, pakiusap, pagbabaka, sakali, tumango, makasama, tanghaliang, aki, magpapabusog, pagsasaluhan, kumulang, ilalaan, himala, nanaog, lupa, biglang, bigla, sagot, napangiti, matatanaw, labi, pati, nakaramdam, kakaibang, dumoble, pintig, makapaniwala, uusap, isusuot, magiging, kaaya, aya, paningin, scent, pabango, nagkaharap, klase, tiyak, masasarapan, paksa, usapan, napagkukuwentuhan, buksan, maiinip, maibigay, sanang, biyernes, magdamagang, nakatakda, kaba, desisyon, nabuo, piraso, alala, naidugtong, kinasabikan, pagsang, ganun, binigo, masayang, tanghalian, kwentuhan, dinetalye, rito, talaga, maidetalye, nalungkot, nauunawaan, ginawa, gano, nagalit, napakahirap, maglinis, sakaling, malublob, pasensya, matutuloy, tara, tuesday, ambulansyang, agaw, liyo, sariling, labis, abuso, alila, suwail, anak, nagawang, arugain, mahalin, pobreng, ina, anim, buwan, tinatagal, opisyal, namasukan, dito, namang, napatalsik, sumapit, termino, nagmula, lalawigan, katimugan, nakadestino, magulo, animnapung, kilometro, daang, patungo, makapal, maulan, madilim, ulap, alikabok, tirik, mainit, dagdag, pagbiyahe, sutil, residenteng, nananadyang, hinaharang, pinupukol, binubutas, upod, gulong, maipagkakailang, luma, nakakahiya, sensitibong, pandinig, maari, bulok, nababalutan, kalawanging, bakal, naghuhulas, pinturang, alanganing, puti, abuhin, marumi, maitim, usok, pinakamadilim, mahihirapan, ikubli, mukha, lumalala, laganap, korapsyon, nakakaaawang, pagmasdan, lulan, babaeng, pinatanda, kahirapan, matandang, pagkamainitin, ulo, naglalakbay, progreso, pagbabago, pagnanais, mailigtas, inalintana, kabi, umiiral, batas, trapiko, pulang, ilaw, hinintuan, motorista, naaksidente, nakaharang, daraanan, halatang, sinadyang, sinagasaan, nagmistulang, hari, makakasalubong, madadaanan, magbigay, daan, masipag, pagkaagresibo, siyang, husay, pagmamaneho, kuwestiyunin, barumbado, mahirap, pakisamahan, datapwa, sanay, beterano, nakagisnang, amin, nakapagtatakang, nagtitiwala, sumusuporta, yun, nagbigay, tingin, lantarang, ari, arian, nawawasak, nadadamay, una, napukaw, perpeksiyunistang, kritiko, nakikitang, matanda, anila, masusing, susuriin, sasapat, ginagawa, ding, pagmamalasakit, mapahamak, iingat, madamay, inosente, matigas, magdudulot, intensiyon, makikita, iisang, panig, nakakiling, malaking, palaisipan, katangiang, imposible, mahanap, panahong, nakalipas, kumpara, humawak, manibela, tangan, tangang, nakakatawa, malaman, nagiging, sanhi, abala, umuusad, misyon, magsalba, maikumpara, nagtangkang, tumulong, pawang, dalawang, pagkaarogante, kawatan, magmaniobra, lampang, malumanay, magsalita, nakabuti, papaano, naihahatid, nalalapatan, sakiting, ale, ilan, kanila, inuumit, krudo, nalagay, panganib, nagpabalik, balik, yata, totoong, malasakit, nakalulungkot, nabibigyan, gamot, karampatang, aabot, ganitong, kritikal, mayuming, edad, namamalas, ganda, kinabukasan, mistulang, buto, balat, suot, nakahubad, malubha, sakit, kalunasan, likas, mayaman, kayamanan, layo, biyaheng, kahihinatnan, mahahatid, ligtas, kabilang, matulad, nilang, dalawa, nakaraang, kinahantungan, pagkadismaya, kalungkutan, kabiguan, bokabularyo, maghinay, hinay, huminahon, kakatwa, proseso, pagsagip, mautas, pamamaalam, paglisan, ikukubli, nagsimula, binawi, takot, humahalili, nalalabing, pagtangis, palagi, kakambal, pagbangon, lungkot, parating, hinuhukay, pagkat, pagitan, ngayo, higit, kahapon, itinakdang, magtagpo, maririnig, boses, sambiting, iniibig, maiuusal, salamat, tinig, patawad, makirot, sugat, naaalala, nadarama, makalawa, inakala, lulubugan, matantong, winaglit, palang, hangganan, mangmang, hinayaang, umalpas, pihitin, orasan, ibalik, panahon, aking, pangarap, bahaghari, sumilay, unos, nagpasiil, ikinukubli, kulay, karimlan, paligid, singtamis, bukang, liwayway, nagpapagal, matamis, galak, iyak, sorpresa, tawa, ngiwi, kapiling, alaala, kanina, kasama, nakamasid, muling, nakatingin, kukwentuhan, susubukan, sumabay, magbahagi, istoryang, magnanakaw, karanasan, mababatid, alin, doon, panaginip, nangangapa, tahanan, naliligaw, pinapasyalan, hinahanap, kasabay, noong, lumalabas, halaga, aminin, sinadya, heto, susubukang, pulutin, naiwan, lapag, mabubuo, nabasag, maibabalik, nakaraan, makasalamuha, nawalang, kaibigan, magpapanday, pagmamahal, naroon, thursday, koleksiyon, sanaysay, kabalbalan, opinyon, suhestiyon, obserbasyon, sumasalamin, pangkaraniwang, tinatangkang, impluwensiyahan, mambabasa, bagkus, inilalatag, inilalahad, nakikita, kapaligiran, winawalang, bahala,
Text of the page (random words):
inag isa ngunit mangmang na hinayaang umalpas at lumipas lamang ito winaglit sa isip na lahat ng bagay ay mayroon nga palang hangganan sa ayaw man o sa gusto inakala na hindi lulubugan ng araw huli na nang matantong mali may pagsisisi na nadarama hanggang bukas o sa makalawa o sa susunod pa pagsisisi na tila makirot na sugat sa tuwing naaalala tila huli di na muli may tinig pa para sabihing patawad muli maiuusal pa ang katagang salamat muli may boses pa upang sambiting kita y iniibig ngunit di na ito maririnig pagkat ang pagitan natin ngayo y higit pa sa bukas at kahapon na di itinakdang magtagpo ang mga lungkot na tila parating hinuhukay mga takot na humahalili sa bawat nalalabing pag asa pagtangis na palagi nang kakambal ng pagbangon ay nagsimula nang walang sabi sabi y buhay mo y kagyat na binawi ibubulong na lamang at di ikukubli mahal kita hanggang sa huli ngunit tila huli di na muli posted by limarx214 at 10 14 am 2 comments labels di na muli paglisan pamamaalam monday september 11 2017 ambulansya ni mang rudy humahagibis sa bilis ang ambulansyang minamaneho ni mang rudy destinasyon ng kanyang ambulansya at ng pasyenteng sakay nito na si aling fely ay ang pagamutang makapagsasalba umano sa mahalagang buhay ng kanyang pasahero agaw buhay liyo at tila wala sa sariling pag iisip ang pasyenteng si aling fely marahil dahil ito sa labis na pag abuso at pag alila ng kanyang mga suwail na anak na sa loob ng ilang dekada y hindi nagawang arugain at mahalin nang totoo ang kanilang pobreng ina karaniwang anim na buwan lamang ang tinatagal ng opisyal na tsuper ng ambulansya sa bayang ito may ilang namasukan na humigit dito at mayroon din namang napatalsik bago pa sumapit ang kanyang termino nagmula si mang rudy sa malayong lalawigan sa katimugan na halos walang pinag iba ang kalagayan kung saan siya nakadestino ngayon magulo animnapung kilometro ang lubak lubak na daang patungo sa pagamutan makapal ang putik nito kung maulan at animo y madilim na ulap ang alikabok kung tirik ang mainit na araw dagdag sa pagkaantala nang pagbiyahe ng ambulansya ang mga sutil na residenteng nananadyang hinaharang ang kalsada pinupukol ang sasakyan o di kaya y binubutas ang mga upod na gulong nito ang ambulansiya ni mang rudy ay di maipagkakailang luma na kung hindi nga lang nakakahiya sa mga may sensitibong pandinig maari na ring sabihing ito y bulok na kakarag karag ika nga nababalutan ang kalawanging bakal nito nang naghuhulas na pinturang alanganing puti o abuhin marumi ang kanyang maitim na usok na kahit ang pinakamadilim na gabi y mahihirapan itong ikubli ang kalsada t ambulansiya y kapwa mukha ng lumalala at laganap na korapsyon sa bayang ito nakakaaawang pagmasdan isang kakarag karag na ambulansiya lulan ang isang babaeng pinatanda ng kahirapan na minamaneho ng isang matandang tsuper na maangas at may pagkamainitin ang ulo na naglalakbay sa malubak na kalsadang ilang dekada nang walang progreso at pagbabago sa pagnanais na mailigtas ang buhay ng pasyente hindi inalintana ni mang rudy ang kabi kabila niyang paglabag sa umiiral na batas trapiko maraming pulang ilaw ang hindi niya hinintuan maraming motorista ang kanyang naaksidente at ilang nakaharang sa kanyang daraanan ang halatang sinadyang sinagasaan nagmistulang hari ng kalsada ang ambulansiya ni mang rudy na ang lahat ng kanyang makakasalubong at madadaanan ay dapat na magbigay daan sa kanya at kanyang sasakyan sa kabila ng negatibong ugali at di magandang impresyon ng mga tao kay mang rudy masipag at mahal nito ang kanyang trabaho at ito marahil ang dahilan kung bakit siya y may pagkaagresibo bagama t mabilis at may kakaiba siyang husay sa pagmamaneho hindi rin naman maiiwasang kuwestiyunin ang ugali niyang pagiging barumbado at mahirap pakisamahan datapwa t sanay at beterano na sa nakagisnang trabaho marami rami na rin ang kanyang naging kapalpakan at kamalian na walang pag ako o pag amin man lang ngunit nakapagtatakang sa kabila ng mga kapalpakan at kamalian niyang ito marami pa rin ang sa kanya y nagtitiwala at sumusuporta at yun ang nagbigay ng lakas ng loob kay mang rudy upang gawin ang sa tingin niya y tama kahit pa marami ang lantarang paglabag maraming ari arian ang nawawasak at maraming buhay ang nadadamay sa una pa lamang ay napukaw na ni mang rudy ang damdamin ng mga perpeksiyunistang mga kritiko ng bayan kritikong walang nakikitang tama sa sipag at pagsisikap ng matanda anila at kung masusing susuriin hindi sasapat ang sipag at pagsisikap lang sa bawat kanyang ginagawa dapat ay mayroon ding puso at pagmamalasakit sa kapwa upang hindi mapahamak ang iba upang may sapat na pag iingat upang walang madamay na inosente ang pagiging matigas ang damdamin ay magdudulot ng hindi magandang impresyon sa iba bagama t ang intensiyon ay mabuti hindi ito makikita ng mga kritikong sa iisang panig lang na nakakiling ngunit isang malaking tanong at palaisipan sa marami kung si mang rudy nga y taglay ang mga katangiang ito na tila imposible nang mahanap sa panahong ito maraming nagsasabing kakaiba si mang rudy sa nakalipas na mga tsuper ng ambulansiya ng bayan kumpara sa mga ibang humawak ng manibela nito at marami sa nagsasabing ito ang may tangan tangang pag asa nakakatawa lang na malaman na marami rin sa mga ito ang nagiging sanhi at dahilan ng abala at pagkaantala ng ambulansiya kaya hindi mabilis na umuusad ang ambulansiyang may isang misyon ang magsalba ng buhay hindi maiiwasang maikumpara si mang rudy sa ibang nagtangkang tumulong sa kalagayan ni aling fely marami rami na rin kasi sila na pawang mga nabigo dalawang tsuper na babae may isang may pagkaarogante may naging kawatan may maangas lang magmaniobra at may lampang malumanay magsalita ngunit ang mga ito y tila hindi nakabuti sa kalagayan ng kalusugan ni aling fely papaano y hindi naman naihahatid agad at nalalapatan ng lunas ang sakiting ale ilan pa nga sa kanila y inuumit ang krudo ng sasakyan ilang beses nalagay sa panganib ang buhay ni aling fely at ilang beses na rin itong nagpabalik balik sa pagamutan ngunit wala yata ni isa man sa mga ito ang may tunay at totoong may malasakit sa kalusugan at kalagayan ng pasyente nakalulungkot lang na kung sana y kagyat na nabibigyan ng gamot at karampatang lunas ang pasyente y hindi sana aabot ito sa ganitong kalagayan kritikal ang mayuming si aling fely na sa kanyang edad ay namamalas pa rin ang ganda ngunit tila walang magandang kinabukasan buhay nga ngunit mistulang buto t balat may suot na damit ngunit animo y nakahubad malubha ang sakit na tila walang kalunasan likas na mayaman ngunit walang kayamanan malayo layo pa ang biyaheng ito ni mang rudy at ng kanyang pasyente at di ko batid ang kahihinatnan ng kalagayan at kalusugan ni aling fely sa kamay nito kung mahahatid man siya nang ligtas o hindi sa pagamutan ang inaalala nang marami kabilang na marahil ako ay baka matulad lang ang kuwento at istorya nilang dalawa sa nakaraang mga kuwento at istorya na ang kinahantungan ay pagkadismaya kalungkutan at kabiguan kahit na malubak humahagibis sa bilis ang ambulansiyang minamaneho ni mang rudy destinasyon ng kanyang ambulansiya at ng pasyenteng sakay nito na si aling fely ay ang pagamutang makapagsasalba umano sa buhay ng kanyang pasahero isa bang kakatwa na sa proseso nang pagsagip sa mas mahalagang buhay ay maraming buhay ang dapat na mautas siguro y may ibang paraan para gawin ito pero wala sa bokabularyo ni mang rudy ang maghinay hinay at huminahon posted by limarx214 at 6 00 pm 4 comments labels aling fely ambulansiya kwento mang rudy tuesday july 18 2017 huwebes noon huwebes noon hindi ko alam kung dahil ba sa nakulitan ka lang sa akin o dahil ginusto mo na rin kaya ka pumayag na tayo y mag lunch out ilang beses ko na ring sinubok na ayain kang lumabas para kumain at ilang beses na rin naman akong nabigo sa maraming beses na yon hindi ako nagkaroon ng sama ng loob sa yo kahit kaunti nauunawan ko naman kasi at ang lahat nang sa iyo y kaya kong maunawaan alam ko kasi ayaw mong malagay sa isang sitwasyong malalagay sa yo sa alanganin sa isang lugar kung saan mas lamang ang ligalig kaysa katiwasayan ni minsan hindi ko sinabi sa yo na masaya ako sa tuwing kausap ka yung saya na hindi ko kayang ipaliwanag yung saya na pag tinanong mo ako kung gaano ito kasaya ang isasagot ko lang ay basta siguro mayroon talagang mga bagay na hindi madaling ipaliwanag hindi naman kasi naisasalarawan ang lahat ng ating nararamdaman sabi nga y minsan hindi sapat ang mga salita para mabulalas ang lahat ng nais sabihin ng ating puso huwebes noon walang pagsidlan ang kasiyahan ko dahil sa wakas makalipas ang ilang pakiusap at pagbabaka sakali ay tumango ka at pumayag na makasama ako sa isang tanghaliang sa aki y magpapabusog hindi dahil sa pagsasaluhan nating pagkain kundi dahil sa humigit kumulang na isang oras na ilalaan mo para sa akin hindi ko alam kung anong himala ang nanaog sa lupa at biglang bigla na sagot mo y oo sa tanong kong tara lunch tayo hindi mo batid napangiti mo ako hindi lang basta ngiti na matatanaw mo sa labi ko kundi yung ngiti na pati ang puso ko y nakaramdam ng kakaibang kasiyahan dumoble ang pintig nito at tulad ko y tila hindi makapaniwala huwebes noon matapos ang ating pag uusap ay iniisip ko na ang isusuot ko para bukas iniisip ko kung ano pa bang damit ang mayroon ako na magiging kaaya aya sa paningin mo iniisip ko kung anong scent ng pabango kaya ang magugustuhan mo pag nagkaharap tayo iniisip ko kung anong klase ng pagkain kaya ang tiyak na masasarapan at magugustuhan mo iniisip ko kung anong paksa pa kaya ng usapan ang di pa natin napagkukuwentuhan ang dapat kong buksan gusto ko kasing sa kahit anong paraan ay hindi ka maiinip sa pagkikita nating ito gusto ko kasing maibigay ang kung ano man ang nais mo gusto ko sanang basta biyernes noon makalipas ang magdamagang pag iisip sa yo at sa nakatakda nating pagkikita lumipas din ang kaba at isang desisyon ang nabuo mula sa maraming piraso ng pag alala at agam agam pasensya na hindi tayo matutuloy wala na akong naidugtong pang ibang salita kung gaano ko kinasabikan at hinintay ang iyong pagsang ayon ganun ko rin naman binigo ang dapat sana y masayang tanghalian at kwentuhan hindi ko na dinetalye sa yo ang dahilan ko para rito pero ang alam ko kasi mali ito ang totoo hindi ko talaga kayang maidetalye hindi ko alam kung nalungkot ka rin nang sabihin ko sa yo ang katagang yon pero sana nauunawaan mo kung bakit ko ginawa ang gano n naisip kong baka nagalit ka sa akin dahil kapwa tayo umasa pero naisip ko rin kasi na napakahirap maglinis kung sakaling malublob sa putik ng kamalian posted by limarx214 at 5 08 pm 1 comment labels fiction older posts home subscribe to posts atom end start about me limarx214 walang pormal na edukasyon sa pagsusulat pero hindi ito naging handlang upang huminto sa pagsusulat ng kanyang mga saloobin nagbuhat sa isang tipikal na pamilya nag aral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya iginapang ng magulang ang kolehiyo at pinagtibay ito ng diploma at lisensya na iginawad halos dalawampung taon na ang nakararaan nag aral nagsikap hanggang marating ang destinasyong kanyang nilakbay umasam umasa hanggang matupad ang ilang kanyang inaasam sa buhay sumubok sumulong hanggang makamit ang ilang minimithing tagumpay nangangarap ng mabuti at magandang pilipinas sa kabila ng kawalan ng pag asa ng iilan katulad ng karaniwang tao pilit na binubuhay ang pag asa kahit habol hininga na lang ito hindi bibitiw at susuko kahit batid na ang resulta ng pagkabigo hindi matalino pero naipasa ang anumang pagsusulit hindi matino pero nagpupumilit na gumawa ng katinuan madalas na napuputikan dahil sa daigdig na kanyang kinabibilangan ngunit agad na naglilinis at naghuhugas gamit ang inuusal na dasal view my complete profile followers popular posts mitolohiya i ang alamat nang pagkawala ng mga sirena makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si neptuno kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung kanyang nanaisin at sinusunod ang kabataan ang pag asa ng bayan hunyo 19 kaarawan ng ating idolo dr jose rizal si rizal na makata manunulat alagad ng sining mangingibig doktor makabayan si gat j wala na siya malungkot na istorya ng pag ibig www dreamstime com wala na po siya tugon ng nurse na nasa information counter ng santisima de dios hospital na ang tunay na pag ibig ang tunay na pag ibig marami na ang nagtangka nagpaliwanag at nagbahagi ng kani kanilang istorya tungkol sa tunay na pag ibig mara mitolohiya ii ang alamat ng huling dragon sa malawak na kabundukan ng astera ay naninirahan ang mga dragon di tulad ng ibang uri ng hayop kung ikukumpara ang mga dragon animal idiom ang mga negatibong ugali ng tao y madalas na hinahalintulad natin sa mga hayop sang ayon man o hindi ang mga hayop na ito wala na sila noon at ngayon malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto ang teknolohiya siyensiya moda pelikula medisina at iba pa ay malayong the astig compilation astig pang uri pabalbal astig binaligtad na salitang tigas tumutukoy ito sa mga tao o sitwasyon na may maangas o matikas na taglay o p silip sa dekada 90 matagal tagal na rin nang huli kong gawin ang silip sa dekada 80 kaya naisipan kong gawan ito ng ikalawang yugto pero sa pagkakataong ito pag ibig sa sining sining sa pag ibig may tutugtog gamit ang gitara kakalabitin ang kuwerdas at makalilikha ng kanta may tutugtog gamit ang damdamin kakalabitin ang puso sa magpaalam kung ika copy paste blog archive 2025 1 september 1 iniwan kita 2019 1 july 1 2017 6 september 1 july 1 june 1 may 1 march 1 january 1 2016 8 october 1 september 2 july 1 june 1 april 1 january 2 2015 23 december 1 november 1 october 2 september 3 august 3 july 2 june 3 may 2 april 2 february 3 january 1 2014 69 december 3 november 4 october 5 september 6 august 6 july 5 june 9 may 5 april 7 march 8 february 4 january 7 2013 81 december 5 november 5 october 8 september 6 august 6 july 11 june 7 may 7 april 6 march 8 february 8 january 4 2012 58 december 5 november 7 october 6 september 5 august 5 july 5 june 5 may 5 april 4 march 4 february 4 january 3 2011 56 december 6 november 5 october 4 september 3 august 5 july 5 june 4 may 5 april 4 march 4 february 6 january 5 2010 39 december 5 november 5 october 4 september 3 august 3 july 5 june 3 may 3 april 2 march 3 february 1 january 2 2009 10 december 4 november 1 october 2 september 2 july 1 total pageviews 2013 saranggola blog awards ikatlong karangalan sa kategoryang tula magugustuhan niyo rin ito korta bistang tibobos 2026 day 7 4 months ago afterthoughts sharon 4 months ago latak ng utak hinintay palangit 4 months ago choking on my adobo for the love of that little golden statuette the search for the philippine entry to the oscars 8 months ago gillboard grows up twenty years 11 months ago citybuoy x city songs sinigang na baboy 1 year ago joy s notepad winter wonderland 2 years ago nobenta welcome to the arena 7 years ago babae pala si satanas wala na akong makwentuhan ng mga walang kwentang bagay 7 years ago heavenknows room ...
|